Nagbigay-pugay si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga beteranong Pilipino at Amerikano bilang paggunita sa US Veterans Day 2026.

Kasama si US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, pinangunahan ni Teodoro ang wreath-laying ceremony sa Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig City nitong Nobyembre 7.

Binigyang-diin ni Teodoro na nararapat kilalanin ang mga beterano hindi lamang dahil sa kanilang sakripisyo kundi maging sa mga personal na oportunidad na isinantabi nila sa paglilingkod sa militar.

Hinimok din niya ang kasalukuyang henerasyon na pangalagaan ang kalayaan at mga pagpapahalagang ipinaglaban ng mga beterano.