Handa na ang defense team sakaling isalang ng prosecution sa witness stand si dating Senador Antonio Trillanes sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, napag-usapan na ng depensa ang posibilidad na mauna si Trillanes sa mga testigo ng prosecution.

Paliwanag niya, nasa prosecution naman ang pagpapasya kung sino ang kanilang unang ihaharap na testigo.

Basta’t mabibigyan ang depensa ng sapat na panahon para makapaghanda.

Kung kailangan naman ng karagdagang oras bago i-cross-examine si Trillanes o ang iba pang testigo, umaasa si Poa na papayagan ito ng impeachment court.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hindi naman nagkomento ang depensa sa pagdalo ni Trillanes sa paglilitis nitong Martes kasabay ng pag-testigo ni Davao City Mayor Baste Duterte.