Giit ng dalawang ex officio members ng House Committee on Justice na walang opsyon ang Senado kundi mag-convene bilang impeachment court kapag natanggap na nito ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Iloilo Representative Lorenz Defensor, malinaw sa Konstitusyon na walang kondisyon ang pagbuo ng impeachment court kaya tungkulin ito ng Senado na ituloy ang proseso.

Sinang-ayunan ito ni dating Senator Leila de Lima, na nagsabing nakasaad sa Konstitusyon ang salitang “shall” kaya hindi ito maaaring gawing opsyonal o discretionary.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Senator Panfilo Lacson na maaaring hindi mag-convene ang impeachment court kung tututol ang mayorya ng mga senador.