Plano ni Cagayan Governor Manuel Mamba na irekomenda sa Sanguniang Panlalawigan ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Egay sa probinsya.

Ayon sa gobernador, patuloy ngayon ang pangangalap ng impormasyon upang makumpleto ang mga kakailanganing datos mula sa mga pinsala sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at maging sa mga kabahayang sinira ng bagyo.

Aniya, malaking tulong ang deklarasyon ng state of calamity upang magamit ng probinsya ang pondo para sa pagtulong sa mga residenteng labis na naapektohan ng kalamidad.

Batay sa inisyal na datos ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) umaabot na sa mahigit P470.3M ang pinsalang iniwan ng bagyo sa Palayan, Maisan, High Value Crops at maging sa sektor ng pangisdaan.

Apektado dito ang nasa 31, 866 na mga magsasaka at mangingisda at sa oras na matapos ang assessment ay posible pang madagdagan ang naturang halaga.

-- ADVERTISEMENT --