
Magbubukas na ang deliberasyon ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa mga panukalang batas laban sa political dynasty bukas, January, 27, 2026.
Umabot sa 19 na bills ang naipasa sa komite.
Kaugnay nito, hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kanyang mga kapwa mambabatas na magkaroon ng tapang na talakayin ang kontrobersyal na isyu.
Gayunpaman, may mga kritiko na nagbabala na may mga puwang sa House Bill 6771, kabilang na ang kawalan ng malinaw na limitasyon sa dami ng miyembro ng iisang pamilya na maaaring magsilbi sa sabay-sabay na posisyon sa national at local na antas.
Sinabi ni Political Science Prof. Julio Teehankee na isang makatwirang limitasyon ay dalawang miyembro ng pamilya — isa sa national at isa sa local level.
Para sa ilang mambabatas mula sa House minority at Makabayan bloc, ang panukala ay “lacking at deceptive,” habang pinuna ni Rep. Leila De Lima na posibleng manatili ang malalakas na political dynasty kahit maisabatas ang measure.










