
Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba ang kaso ng dengue sa bansa nitong nagdaang buwan.
Ayon sa DOH, nakapagtala lang ito ng 7,471 na mga kaso ng sakit mula January 4 hanggang January 24, 2026.
Higit na mas mababa ito kumpara sa nai-record na 25,652 na mga dengue cases sa bansa noong nagdaang taon sa kaparehong period.
Nangangahulugan na 71% ang ibinaba nito.
Sa kabila nito, idiniin ng ahensya na dapat pa ring mag-ingat sa dengue.
-- ADVERTISEMENT --
Payo ng tanggapan na samantalahin ang oras na hindi umuulan para makapaglinis ng kapaligiran; at linisin ang mga pupuwedeng mapag-ipunan ng tubig.
Hinimok din nito ang publiko na agad magpakonsulta sa doktor sakaling makaramdam ng sintomas gaya ng lagnat, pagpapantal, pananakit ng katawan, at pagkahilo.










