Patuloy ang kampanya ng Department of Health Region 2 laban sa dengue sa kabila na mas mababa ang kaso mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon na 1, 699 kumpara sa 2, 034 sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ni Dr. Janet Ibay, infectious disease cluster head ng tanggapan na bumaba sa 16 percent ang dengue cases ngayong taon.
Ayon kay Ibay, mas pinaigting pa nila ang kanilang dengue prevention programs tulad ng information education campaign.
Sinabi niya na ang pinakamahalaga pa rin para makaiwas sa kagat ng lamok na may dalang dengue virus ay ang five s, o ang search and destroy breeding sites; self-protection from mosquito bites; seek early medical consultation; support fogging in areas with clustering of cases; at sustain hydration.
Kaugnay nito, sinabi ni Ibay na nagsagawa sila ng dengue awareness campaign sa mga barangay ng Ambaguio, Alfonso CastaƱeda at Bambang, Nueva Vizcaya na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit.
Sinabi niya na nagsagawa sila ng contest kung saan ang may pinakamaraming botelya, lata, gulong at iba pang nalalagyan ng tubig na nakolekta ay binigyan ng cash prize.
Nakatanggap ng P30k ang first prize, P20k sa 2nd prize at P10k naman sa 3rd prize winner.
Ipinaliwanag ni Ibay na layunin nito na mahikayat ang mga residente na maglinis sa kapaligiran lalo na ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok.
Kaugnay nito, sinabi ni Ibay na may naitalang apat na nasawi dahil sa dengue sa lalawigan ng Isabela.
Samantala, pinapayuhan din ni Ibay ang publiko laban sa iba pang sakit na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-ulan tulad ng diarhhea at leptospirosis.
Ayon kay Ibay, may naitala nang 671 na kaso ng diarhhea at 143 naman sa leptospirosis sa rehion ngayong taon.