Naitala ng DOH Region 2 ang siyam na porsiyentong pagtaas ng bilang ng mga dengue cases sa unang 7 buwan ng 2024.

Ito ay kumpara sa mababang kaso na naitala noong unang anim na buwan ng 2023.

Batay sa datos ng ahensiya, simula buwan ng Enero hanggang nito huling bahagi ng Hulyo, umaabot sa 3,115 ang kaso na mas mataas na mula sa naitalang 2,861 na kaso noong nakaraang taon.

Mula sa naturang bilang, naitala ang apat sa Batanes, 688 sa Cagayan, 597 sa Isabela, nasa 1,382 sa Nueva Vizcaya, 325 sa Quirino, habang umaabot sa 119 na kaso sa Santiago City.

Paliwanag ng DOH R02, ang sunod sunod na mga pag ulan sa rehiyon ang posibleng naging dahilan ng paglobo ng mga kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Posible umanong maraming tubig na naimbak, napabayaan, at tuluyang naging pangitlogan ng mga lamok.