TUGUEGARAO CITY- Umaabot na sa 4,012 ang kaso ng dengue sa Region 2 ngayong unang quarter ng taon

Sinabi ni Lexter Guzman ng Department of Health Region 2 na ito ay mas mataas kumpara sa 900 cases nitong 2018

Ayon kay Guzman,tumaas din sa 300 percent ang casualty sa dengue na may 20 kumpara sa lima nitong nakalipas na taon

Sinabi niya na ang Isabela ang may pinakamataas na kaso na 1,721 kumpata sa 451 noong 2018 at sumunod ang Cagayan na may 1,300 mula sa 197

Bumaba naman sa apat na kaso sa Batanes na nitong nakalipas na taon ay idineklara ang dengue outbreak sa lalawigan

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Guzman na patuloy ang kanilang information dessimination tungkol sa 4s o ang search and destroy,self protection measures,seek early consulation at say yes to fogging upang makaiwas sa sakit na dengue at sa encephalitis

Matatandaan na idineklara ang dengue outbreak sa Region 2 nitong 2018