Inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa na posibleng maharap ang bansa sa dengue outbreak ngayong taon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso.
Nagpahayag ng pagkabahala si Herbosa kasunod ng ulat na ang naitalang kaso ng dengue mula January 1 hanggang March 15 ay umabot na sa 76,425, mas mataas sa 42,822 na naitalang kaso sa katulad na panahon noong 2024.
Sinabi niya na tumaas sa 75 percent ang dengue cases ngayong taon kumpara nitong nakalipas na taon, kaya inaasahan nila ang outbreak ngayong taon.
Idinagdag pa niya na kada tatlo hanggang limang taon ay nagkakaroon ng outbreak ng dengue.
Ang huling outbreak ay noong 2019, at sahan umano ang malaking outbreak ngayong taon.
Ang mga rehion na may pinakamataas na kaso ng dengue ay ang Calabarzon na may 15,108, National Capital Region na may 13,761, at Central Luzon na may 12,424.
Gayunpaman, sinabi ng DOH na nananatili mababa ang bilang ng mga namamatay dahil sa nasabing sakit sa 0.41 percent.