Nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 2 kaugnay sa isinagawang exotic food fest na bahagi ng selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan noong June 25.

Sinabi ni Gwendolyn Bambalan, regional executive director ng DENR Region 2 na may nauna silang investigation report kaugnay sa pangunahing sangkap sa nasabing food fest na kinabibilangan ng bayawak, sawa, mga ibon at paniki.

Ipinaliwanag ni Bambalan na ang mga nasabing hayop ay maituturing na wildlife at ipinagbabawal na sirain o patayin ang mga nasabing hayop sa ilalim ng Wildlife Conservation and Protection Act.

Sinabi niya na nagtalaga na sila ng investigating team bilang bahagi ng due process.

Bukod dito, sinabi ni Bambalan na sinulatan na rin nila ang Provincial Agriculture Office ng Cagayan na nangasiwa sa food fest, maging ang Philippine Information Agency matapos na i-post nila ang mga putahe sa facebook, subalit wala pa silang tugon.

-- ADVERTISEMENT --

DENR Regional Exectuive Director Gwendolyn Bambalan