Patuloy parin ang isinasagawang pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 sa mga coastal and marine resources sa rehiyon.

Ayon kay Gwendolyn Bambalan, regional executive director ng DENR Region 2, ito ay matapos bumaba ng ilang porsiyento ang lawak ng mga coral reefs kumpara noong nakaraang taon.

Base sa naitalang pagsusuri ay nasa 23,187 hectares ang coral habang ang sea grass naman ay maroon lawak na 6,209 at 2,937.19 hectares naman sa mangrove ecosystem.

Aniya, nararapat lamang na bigyang pansin ito dahil maliban sa mahalaga ito para sa ating mga local na pangisdaan ay hinahadlangan rin nito ang mga kalamidad na posibleng maibigay ng karagatan.

Kasabay rin ng selebrasyon ng Month of the ocean 2024 ay magsasagawa rin ng aktibidad ang DENR gaya na lamang ng youth camp upang hikayatin ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga input kung paano tinutugunan ang sustainable development, protection, at well being of individuals at sa lahat ng aspeto ng pamamahala sa kapaligiran.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, umabot naman sa 485 hectares ng National Greening Projects ang nasunog sa nangyaring grass fire incident sa Delfin Albano, Isabela.

Napag alaman na nagsimula ang sunog sa isang rice farm na nakapaligid sa NGP habang nasa mahigit P10million naman ang inilaang pondo ng pamahalaan para sana sa pagpapaganda at pagsasaayos nito na malaking bagay upang mabalanse ang klima lalong lalo na at tumitindi na ang init ng panahon sa rehiyon.