Kasama na sa healthcare benefit packages ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang dental care services.

Ito ay makaraang aprubahan ng Board of Directors en banc ang nasabing hakbang.

Kabilang sa naturang mga serbisyo ang mouth examination,oral screening, dental prophylaxis o cleaning, at fluoride varnish application.

Sakop din ang fissure sealants, Class V procedures, emergency tooth extractions, at dental consultations.

Sa ilalim ng naturang health package, inaprubahan ng PhilHealth Board ang maximum payment na P1,000 per patient per year para sa preventive oral health services, na susundan ng P300 sa first visit, para sa mouth examination/oral screening, oral prophylaxis (cleaning), at fluoride varnish application; P300 sa second visit na nasa apat na buwan ang pagitan mula sa first visit, para sa kaparehong serbisyo; at P200 per tooth (maximum of two teeth per year) para sa pit and fissure sealant o sa isang Class V procedure.

-- ADVERTISEMENT --

Bawal ang co-payments sa public dentists, habang ang mga private dentist ay papayagan sa maximum co-payment charges per visit na P1,500 para sa mouth examination at oral prophylaxis; P600 para sa pit at fissure sealant o Class V procedure; at P600 para sa emergency tooth extraction.