Nakiisa ang Department of Health sa panawagang magdagdag ng buwis sa alak sa Pilipinas, kung saan inirekomenda ng Global Burden of Disease Health Metrics na ang alkohol ay pangunahing sanhi ng mahigit sa 27,000 na pagkamatay sa bansa.
Hinikayat ng DOH ang pagtataas ng buwis sa mga produkto ng alak, kasama ng mas mahigpit na regulasyon sa kanilang bentahan.
Kabilang sa mga rekomendasyon ang paglalagay ng public health warning labels sa mga bote ng alak, pagtaas ng presyo at excise tax sa mga ito, pagsasaayos sa distribusyon, at mas malawakang pagbabawal sa ilang alcohol marketing.
Batay sa 2023 na pag-aaral ng DOH, maraming Filipino adults ang naniniwala na walang masamang epekto ang pag-inom ng alak, bagaman may mga paniwala rin na ito ay makakabuti sa kalusugan.