Nagsagawa ng consultation meeting ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) kasama ang mga partner mula sa Department of Education (DepEd) upang mapalakas ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay kinabibilangan ng nasa 120 na kinatawan ng DepEd, kabilang ang Schools Division Superintendents, School Heads, at 4Ps Teacher Coordinators mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang mga nagawa sa unang semestre ng programa, sitwasyon ng mga batang Not-Atending-School (NAS), at mga hakbangin ng parehong ahensya sa pagpapabuti ng resulta ng edukasyon ng mga batang 4Ps sa rehiyon.

Humingi rin ang FO2 ng suporta at mungkahi mula sa mga katuwang ng DepEd sa pagkolekta ng Learner Reference Number (LRN) ng mga benepisyaryo bilang bahagi ng pagsisikap ng ahensya sa pag-streamline ng sistema ng impormasyon nito.

Nagpasalamat naman si OIC Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez sa mga katuwang sa kanilang suporta sa programa, na nagsasabing “sa pamamagitan ng pagtutulungan, tinutupad ng DSWD at DepEd ang kanilang mandato na tulungan ang mga bata na magkaroon ng magandang kinabukasan.

-- ADVERTISEMENT --