ipinagdiwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 ang National Disability Rights Week sa Region 2 alinsunod sa Proclamation 597 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang okasyon ay nakatuon sa mga karapatan at kapakanan ng mga Persons with Disabilities (PWDs), kung saan nagbigay ng iba’t ibang serbisyong kapaki-pakinabang tulad ng assistive devices, libreng medical check-ups, multivitamins, at mga reseta mula sa Department of Health Region 02.

Bukod pa dto ay Nagbigay din ang mga therapist ng libreng masahe upang mapabuti ang karanasan ng mga dumalong person with dis abilities

Samantala, ipinakita rin ang mga talento at kakayahan ng mga PWDs sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng pagkanta, pagsayaw, at pagtatanghal.

Binigyang-diin ni OIC-Assistant Regional Director Franco G. Lopez ang kahalagahan ng pantay na pagtrato at suporta para sa mga PWDs at pinagtibay ang kanilang karapatan na maramdamang mahalaga at may kapangyarihan sa kabila ng kanilang mga hinaharap na hamon. O kapansanan

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi din ni Amalia A. Decena, kinatawan ng Persons with Disabilities (PWDs) sa National Anti-Poverty Commission, ang mahalagang papel ng aktibong pakikilahok ng mga PWDs, bukod sa pagtanggap ng tulong.

Sa kasalukuyan, ang Cagayan Valley ay may 71,500 rehistradong PWDs, kung saan ang pisikal na kapansanan ang pinakakaraniwan.