Binigyang diin ng department of tourism o dot region 2 ang kahalagahan ng peace and order stability sa pagsusulong ng sektor ng turismo sa isang lugar.

Sinabi ni Troy Alexander Miano, regional director ng dot sa rehiyon na nagkaroon ng problema sa promosyon sa turismo sa Cagayan valley sa mga nakalipas na taon dahil sa isyu ng seguridad na dulot ng insurhensiya.

Gayunpaman, inihayag ni miano na unti-unti nang nasosolusyunan ang problemang ito dahil sa mga ipinatutupad na programa ng gobierno para tuluyang mabuwag ang natitirang miembro ng komunistang grupo.

Dagdag pa ni miano na mahalaga rin na kasama sa plano ng mga local government units ang pagtataguyod sa turismo na magbubukas ng mga opurtunidad para maingat din ang pamumuhay ng ibat ibang sektor sa komunidad.

Malaking tulong din aniya sa development turismo ang pagpasok ng mga kapitalista o investors kaya napakahalaga ang pagkakasundo o pagkakaisa ng mga namumuno para hindi magdadalawang isip na mamuhunan sa isang lugar ang mga malalaking kumpanya.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay director miano na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa department of public works and highways o dpwh para sa konstruksiyon ng mga kalsada sa mga liblib na lugar.

Naniniwala kasi ang opisyal na malaking tulong sa pagtiyak ng seguridad sa isang lugar laban sa insurhensiya ang pagkakaroon ng maayos na kalsada para wala ng dahilan na mamalagi ang mga makakaliwang grupo sa mga malalayong lugar at mahikayat o maimpluwensiyahan ang mga vulnerable sector.

Tiniyak din ng dot ang kaligtasan ng mga turista na bibista sa rehiyon dahil sa mga programa na ipinatutupad ng dot at ng mga security forces.

Saad pa ni miano na puspusan din ang pagsasanay ng ahensiya sa mga tourist police na magbibigay ng seguridad at mag-guide sa mga turista na bumibisita sa mga pangunahing pook pasyalan sa rehiyon.

Sa katunayan ayon kay miano ay mahigit 60 na pulis ang sinanay na maging tourist guide sa lalawigan ng nueva Vizcaya kamakailan.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang dot sa police regional office 2 na ang mga nasanay na tourist police na ito ay hindi ilipat sa malayong lugar para magamit ng mga ito ang kanilang natutunan sa mga dinaluhang pagsasanay.

Inihayag pa ni miano na bawat sektor gaya ng tricycle driver, barbero, manicurista, tindera at iba pang mga grupo na makakatulong sap ag-promote sa turismo ay sinasanay ng dot para maipakilala sa mga dayuhan ang mga magagandang tourist destinations sa ating lokalidad