Isinagawa ng Department of Trade and Industry – Apayao ang tatlong araw na pagsasanay kaugnay sa Apparel and Accessories Designing.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga kalahok sa mga munisipalidad ng Luna, Flora, Pudtol, at Calanasan.

Ang pagsasanay ay naglalayong palawakin ang pagiging malikhain ng mga manggagawa ng apparel at accessories designing sa lalawigan.

Ipinakita naman ni Marvelino Bumilac, may-ari ng isa sa mga pagawaan at nagsilbing resource person ang mga diskarte sa paggawa ng pattern at binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapatibay ng mga bagong disenyo.

Hinikayat niya ang mga kalahok na tuklasin ang mga bagong pattern para sa disenyo ng kanilang mga habi na tela bilang pagpapakita sa kahalagahan ng kultura ng Apayao.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno para sa patuloy na suporta na kanilang makukuha.