Nagsasagawa ng monitoring ang Department of Trade and Industry Region 2 sa presyo ng school supplies.

Sinabi ni Serafin Umoquit, Trade and Industry Development Specialist, sa paunang monitoring ng bawat probinsiya ay may pagtaas sa presyo ng school supplies sa Batanes.

Ayon sa kanya, ito ay dahil sa bayad sa transportasyon ng mga nasabing produkto na mula sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Umoquit na nasa price guide naman ang presyo ng school supplies sa Cagayan, Isabela at Quirino habang sa Nueva Vizcaya ay may ilang items na mas mababa sa price guide na inilabas ng DTI.

Ayon kay Umoquit, magpapatuloy ang monitoring sa presyo ng school supplies hanggang sa pasukan.

-- ADVERTISEMENT --