Aalisin na ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng grade transmutation sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng bagong assessment at grading policy na layong gawing mas makatotohanan ang pag-evaluate sa performance ng mga mag-aaral.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 015, s. 2026, unti-unting ipatutupad ang pag-phase out ng transmutation simula School Year 2027-2028 para sa Grades 4 hanggang 12.

Sa bagong sistema, ang raw grade na 75 ay direktang magiging final grade na 75, nang walang anumang mathematical adjustment.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng polisiya na mas maipakita ang tunay na natutunan ng mga estudyante at mapalakas ang accountability sa buong education system.

Ipinunto rin ng DepEd na ang reporma ay tugon sa mga isyu ng grade inflation at hindi pantay na standards sa promotion ng mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, ginagamit ang transmutation table na nagko-convert ng raw scores sa mas mataas na final grades, kung saan ang dating mababang marka ay maaaring maging pasadong grado.