TUGUEGARAO CITY-Isasagawa sa buwan ng Marso ang mga aktibidad ng Department of Education (DEPed)na unang sinuspinde dahil sa banta ng Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Amir Aquino, tagapagsalita ng Deped Region 2, sabay na isasagawa ang National School Press Conference (NSPC)at National Festival of Talents sa March 9 hanggang 13, 2020 na gaganapin sa rehiyon.

Aniya, ibinaba ng DEPED central office ang Memorandum 23 series of 2020 na nagtatakdang gaganapin na sa Marso ang mga nasabing aktibidad para hindi maantala ang iba pang aktibidad ng kagawaran.

Muli namang ipinaalala ni Aquino sa mga kabataan, guro maging ang mga iba pang delegado na ugaliing maghugas ng kamay at kumain ng masusustansiya para makaiwas sa anumang sakit.

-- ADVERTISEMENT --