Isa pang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) ang umamin na nakatanggap din siya ng mga envelope na may lamang pera sa panahong kalihim si Vice President Sara Duterte ng ahensiya.

Inamin ito ni DepEd Chief Accountant Rhunna Catalan sa ika-apat na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ukol sa kwestyunableng paggamit ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Catalan, ang nabanggit na mga envelopes na naglalaman ng ₱25,000 ay ini-abot sa kaniya ni DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda na pinagkakatiwalaang aide ni VP Duterte.

Sabi ni Catalan, tumagal ng siyam na buwan ang pagtanggap niya ng naturang allowance mula February hanggang September 2023.

Ikinwento din ni Catalan na pinapirmahan sa kaniya ni Fajarda ang mga liquidation vouchers para sa ₱112.5 million na confidential and intelligence funds (CIF) na winithdraw naman ng mister ni Fajarda na si Edward na syang special disbursing officer ni VP Sara sa DepEd.

-- ADVERTISEMENT --