Tinatrabaho na ng Department of Education ang pagsasagawa ng reclassification ng kasalukuyang pay grade at gawing mas madali ang requirements para sa mga aplikante ng guidance counselors sa mga pampublikong paaralan na may layunin na mapunan ang mga job vacancies sa ahensiya.
Kinilala ni Education Secretary Sonny Angara ang kakulangan ng mental health practitioners na humaharap sa mga estudyante, kung saan may 4,000 plantilla positions na hindi pa napupunan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Batay sa adjusted salary schedule na inilabas ng Malacañang noong August 2, ang kawani ng pamahalaan na nasa ilalim ng Salary Grade 11 ay makakatanggap ng buwanang sahod na P28,512 bilang unang tranche ngayong taon, habang ang nasa Salary Grade 13 ay may sahod na P32,870.
Isinisi rin ni Angara ang kasalukuyang patakaran na nagpapahintulot sa mga nagtapos sa master’s degree na maging full-fledged guidance counselor.
Upang tugunan ito, sinabi ng Angara na pag-aaralan nila na makuha bilang guidance counselors ang mga may undergraduate degree sa psychology at iba pang related courses.
Gayonman, nagbabala si Angara na ang setup ay “vulnerable” ang mga unlicensed guidance counselors dahil pwede silang palitan ng mga may lisensiya.
Kasabay nito, sinabi ni Angara na sa kabila ng kakulangan ng guindance counselors sa public at private schools na may nakalatag silang antibullying policies.
Batay sa annual monitoring ng DepEd, kabuuang 7,742 na kaso ng bullying ang naitala noong school year 2022 to 2023.