Isinasaalang-alang ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng makeup classes upang matugunan ang learning loss ng mga mag-aaral.

Ito ay bunsod ng sunud-sunod na suspensyon ng klase dulot ng masamang panahon gaya ng habagat at mga bagyong Crising, Emong, at Dante.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malaki ang epekto sa pagkatuto ng mga estudyante kung hindi ito mababawi.

Ipinauubaya naman ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ang desisyon kung paano isasagawa ang pagbawi sa mga nawalang oras sa klase—maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng oras sa araw-araw na klase o sa pamamagitan ng mga klase tuwing Sabado.

Tiniyak din ng DepEd na isinasaalang-alang nila ang mga iskedyul at kapakanan ng mga guro sa pagpapatupad ng mga makeup classes.

-- ADVERTISEMENT --