Magpapatupad na rin ang Department of Education (DepEd) ng tatlong shift sa mga pampublikong paaralan sa harap ng shortage sa classrooms.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, balak din nila na ipatupad ang online class sa Senior High School students para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante mula sa mababang grade levels na makagamit ng silid-aralan.

Aminado si Angara na sa pondo ngayon ng DepEd, malabo aniyang makapagpatayo sila ng mga silid-paaralan.

Kung aasahan aniya nila ang pondo ng Education Department, aabutin ng 30 taon bago sila makapagpatayo ng classrooms.

Naniniwala ang kalihim na sa pamamagitan ng kanilang kolaborasyon sa mga pribadong kompanya, mas mapapabilis ang pagpapatayo ng mga karagdagang school buildings.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, 165,443 ang shortage sa classrooms sa public schools sa bansa.