DEPARTMENT OF EDUCATION

TUGUEGARAO CITY-Mangangailangan nang malaking pondo ang Department of Education (DEPED)-Region 02 kung modular lang ang gagamitin sa mga mag-aaral.

Ayon kay Regional Director Estela Cariño ng DEPED-R02, magastos kung modular lang ang gagamitin sa ipapatupad na distance learning class.

Sa katunayan aniya, umaabot sa P5.7 bilyon ang pondong magagamit kung bibigyan ng tig-isang module ang mga mag-aaral sa rehiyon.

Dahil dito, sinabi ni Cariño na mas mainam kung mayroong ibang learning system ang gagamitin tulad ng online class, radio at TV based instruction.

Sinabi pa ng opsiyal na may mga learners at eskwelahan din na kayang gumamit ng online class at gagamit lamang ng modules sa mga lugar na mahina ang internet sa pagbabalik eskwela sa Oktubre 5, 2020.

-- ADVERTISEMENT --