TUGUEGAGRAO CITY-Aminado ang Department of Education (DEPED)Region II na mayroon paring kakulangan ng mga pasilidad sa mga paaralan sakabila ng pagbubukas ng klase kahapon.
Ayon kay DR. Estella Cariño, regional director ng deped region II, mayroon pang mga abandonadong classrooms kung kaya’t patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sakabila nito, sinabi ni Cariño na ginagawan na ng mga schools head ng kaparaanan upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante lalo na ang mga katutubong agta.
Samantala, itinuturing naman ni Cariño na pinakamalaking proyekto ng ahensiya ang kanilang inilunsad na “project class home” na magbibigay ng kaaya-ayang pasilidad sa mga katutubong agta.
Aniya, layon nito na hikayatin ang mga katutubong agta na mag-aral.