TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ng Department of Education Region 2 na tinutugunan nila ang mga kaso ng bullying sa mga paaralan.

Sinabi ni Ferdinand Narciso ng Education Support Services Division ng DepEd Region 2 mayroon silang feedback mechanism kaugnay sa mga kaso ng bullying laban sa mga empleado ng tanggapan.

Sa ilalim ng feedback mechanism ay maipaparating sa kanilang kaalaman sa pamamagitan ng text message ang mga reklamo ng bullying at iba pang uri ng child abuse.

Kasunod nito ay ipapadala naman ang reklamo sa Schools Division Office para sa pagbuo ng komite na magsasagawa ng imbestigasyon at kung may basehan ay dadalhin naman ito sa kanilang legal office.

Ayon kay Narciso,maaaring sampahan ng administrative o criminal case ang sinumang kawani na inirereklamo kung mapatunayan ang kanyang ginawa

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Narciso

Nagkakaisa namang sinabi ng guidance couselor ng Cagayan National High School na si Niel Cumigad,Julius Elvite ng Cauayan City National High School,Joan Cacacho,Youth Formation Program Coordinator ng School Division Tuguegarao at Ryan Michael Alba,project development officer ng SDO Santiago City na bawat paaralan ay may mga ginagawang hakbang upang matiyak na walang magiging biktima ng bullying.

Ayon sa kanya, mayroong binuong anti-bullying council at child protection committee kung saan kasama rin sa pagpapatupad ng anti-bullying ay ang mga mag-aaral na sinanay para maging peer facilitator.