TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ng Department of Education (DEPED)-Region 2 ang kanilang mga guro para sa new normal in education matapos i-anunsiyo ng kagawaran na bubuksan na ang klase sa Agosto 24,2020.

Ayon kay Amir Aquino ng DEPED-RO2,ilan sa kanilang ikinokonsidera ay ang online teaching dahil hindi pa maaaring ipatupad nang agad agad ang nakaugaliuang face to face na pagtuturo.

Aniya, maraming pamamaraan ang inihahanda ng kagawaran para sa muling pagsisimula ng klase kung saan isa na dito ang pagsasailalim ng training sa mga guro para sa “new normal” na pagtuturo.

Kailangak matiyak ang kahandaan ng mga estudyante at guro para sa muling balik-eskwela na may pag-iingat pa rin sa covid-19 pandemic.

May ibibigay naman na guidelines ang kagawaran para sa mga guro bilang gabay sa gagawing final examination na hindi natapos dahil sa sa banta ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Aquino na ito ang gagawing basehan para makapag- compute na ng final grade ang mga guro sa kanilang mga estudyante bago school year 2020-2021.

Tinig ni Amir Aquino

Paliwanag ni Aquino, nagkaroon ng survey sa mga stakeholders mula sa tanong na kung anong buwan ang magandang pasukan,kung saan karamihan sa sagot ng mga ito ay August.

Samantala, hinihintay pa ng Deped-region 2 ang ibababang kautusan ng kanilang central office para magbigay ng go signal sa pagsasagawa ng graduation ceremony.