TUGUEGARAO CITY-Suportado ng Department of Education (DEPED) sa nais ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na itigil na ng mga guro ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng takdang aralin at iba pang aktibidad sa mga estudyante.
Ayon kay Ferdinand Narciso ng Deped Region 2, maganda umano ang planong ito ng DICT lalo na sa mga estudyanteng hindi nagagabayan at inaabuso ang paggamit ng internet .
Ngunit, sinabi ni Narciso na dapat parin isaalang-alang na ang paggamit ng teknolohiya tulad ng internet ay may posotibo at negatibong epekto.
Dagdag pa ni Narciso,malaking tulong din ang paggamit ng internet sa mga kaguruan dahil mas mapapadali din ang kanilang mga gawain at hindi narin kailangan pang mangopya sa pisara.
Sakabila nito, nanawagan si Narciso sa mga magulang o guardians ng mga mag-aaral na gabayan ang mga ito sa paggamit ng social para magamit ng tama.
Matatandaan, nag-isyu ng memorandum order ang DICT upang matigil na ang paggamit ng mga guro sa pamimigay ng mga takdang aralin sa pamamagitan ng social media.