Tinukoy ng DEPED Tabuk kalinga ang mga kakulangan sa pagganap ng mga estudyanteng atleta sa taunang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) event upang mapabuti ang kanilang performances
Ayon kay Federico Flores, Education Program Supervisor sa MAPEH, kabilang sa mga isyu ay ang kawalan ng komprehensibong sports development program na maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagdaraos ng planning workshop para sa pagbubuo ng tatlong antas ng sports development program (District Meet, City Meet, at CARAA Meet).
Aniya ilan din sa mga posibleng dahilan ng hindi magandang pagganap ng mga estudyanteng atleta ay Ang kakukangan Ng sapat na pagsasanay dahil sa limitadong oras para sa praktis, kakulangan ng pagkakataon para sa tune-up, at kawalan ng kasanayan ng mga coach at trainors Ng mga athleta
Isa pang isyu na binanggit ay ang hindi sapat na pasilidad para sa sports; kawalan ng city sports complex at ang mga kasalukuyang pasilidad para sa sports ay nangangailangan ng rehabilitasyon at pagsasaayos.
Dagdag pa ni Flores na ang hindi sapat na badyet, pati na ang kakulangan sa koordinasyon at tamang pamamahala, ay itinuturing ding nakaapekto sa pagganap ng mga estudyanteng atleta.
Ayon kay Flores, ang mga suliraning ito ay kailangang matugunan kaagad kung nais ng lungsod na makabuo ng mga atleta na may magandang kasanayan at mapalakas ang kanilang tsansang manalo sa mga regional at national sporting championships.
Ayon sa Sports Development Program ng SDO para sa 2024-2025, simula Setyembre ay magkakaroon ng pagsasanay sa paaralan upang talakayin ang kwalipikasyon at diskwalipikasyon ng mga atleta at coach,
Ito ay isang action plan para sa pag-unlad ng programa sa sports ng paaralan, at mga isyung may kaugnayan sa pagpapatupad ng programa sa sports ng paaralan.