Nangako si Epimaco Densing, undersecretary ng Department of Education na maglalaan siya ng mas malaking pondo para sa Cordillera Administrative Region o CAR para sa pagpapatayo ng mas maraming silid-aralan at iba pang school facilities.

Sinabi ito ni Densing sa kanyang pagdalo sa 10th year anniversary ng Schools Division ng Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Densing, napili niya ang CAR na mabigyan ng mas malaking pondo mula sa national budget ng DepEd para sa 2025 dahil sa nakita niya na ang rehion ay mabagal sa pagpapatayo ng mga school buildings at sila ang may pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral sa mga makeshift schools.

Sinabi niya na sa datos, sa 2.4 million na learners, 1.4 million ang nag-aaral sa mga makeshift na mga classrooms, sa mga tents, sa ilalim ng mga punong-kahoy at iba pa.

Sinabi niya na kailangan na mabigyan ng komportable na mga classrooms ang mga mag-aaral para sa mas maayos na paglinang sa kanilang mga talento at mga kakayanan.

-- ADVERTISEMENT --