DEPARTMENT OF EDUCATION

TUGUEGARAO CITY-Hindi tutol ang Act Teachers Partylist sa anunsiyo ng Department of Education (DEPED) na magbubukas ang school year 2020-2021 sa darating na Agosto 24.

Ngunit, sinabi ni Cong. France Castro ng Act Teachers Partylist na kailangang tiyakin ng DEPED ang kalinisan ng mga eskwelahan partikular sa mga C.R o comfort room para makaiwas sa virus.

Ayon kay Castro, dapat maihanda rin ang mga guro, estudyante at lahat ng staff sa basic health safety measure laban sa covid-19 pandemic.

Panahon na rin aniya na magkaroon ng sariling duktor ang bawat eskwelahan para may agarang titingin kung sakali na may health concern ang bawat indibidwal sa loob eskwelahan.

Bukod dito, dapat pag-aralan din ng DEPED kung sakali na ipatupad ang online teaching para hindi magkaroon ng discrimination lalo na ang mga estudyanteng walang kakayahang maka- access ng internet.

-- ADVERTISEMENT --

Welcome naman sa grupo ang plano ng ahensiya na 20 estudyante lamang ang nasa isang klase para mabigyan ng atensyon at matutukan ang mga ito ngunit kailangan tiyakin ng DEPED na sapat ang mga classroom para sa ibang mag-aaral.

Tinig ni Cong. France Castro