
Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na maaaring mauwi sa isang “reverse trial” ang kinahaharap na kasong plunder ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations.
Ayon kay Lacson, mistulang hindi na kailangang maglatag pa ng ebidensiya ang prosekusyon dahil si Marcoleta mismo ang umaming tumanggap ng naturang halaga sa isang panayam sa telebisyon, ngunit hindi ito isinama sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE)
Giit naman ni Marcoleta, personal na pondo ang naturang donasyon dahil natanggap niya ito bago ang opisyal na campaign period.
Ngunit ayon kay Lacson, hindi maaaring gamitin ang depensang ito dahil kongresista pa si Marcoleta nang matanggap ang naturang halaga.









