
Hindi muna ibubunyag ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang kanilang mga planong testigo at litigation strategy sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Ayon kay defense spokesperson Michael Poa, ayaw nilang “telegraph” o ipaalam nang maaga sa prosecution ang kanilang mga hakbang at maghihintay sila sa tamang panahon bago magharap ng ebidensya.
Kabilang sa mga hindi pa kinukumpirmang testigo ng depensa sina dating police officer Ramil Madriaga at dating OVP security officer Col. Raymund Lachica.
Samantala, itinanggi ni Poa bilang “fake news” ang ulat na nakipagkita umano nang pribado si Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hinikayat din niya ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat sa social media at tiyaking lehitimo ang pinagmulan ng mga ito.










