
Naghahanda na ang hanay ng mga kasundaluhan para sa deployment ng kanilang tropa para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.
Ayon kay AMaj. Eduardo Rarugal, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na ikakalat ang mga kasundaluhan sa mga lugar na kabilang sa Hotspot ng Commission on Elections (Comelec).
Makikipag-ugnayan umano sila sa Comelec at sa mga counterparts nila sa PNP para matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng kanilang pwersa.
Aniya, ang hotspot ay ang mga lugar na mayroong history ng magulong eleksyon at kapag mayroong namomonitor na presensya ng mga makakaliwang grupo pangunahin na kapag mayroong binabayaran ang mga kandidato na permit to campaign sa mga NPA.
Sa ngayon ay nasa planning stage pa lamang sila ngunit tiniyak naman niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging tahimik at matiwasay ang pagdaraos ng halalan.
Samantala, binuksan na sa publiko ang Photo Exhibit Gallery ng West Philippine Sea sa isang mall sa lungsod ng Ilagan.
Ito ang pangalawang venue ng kanilang exhibit matapos nilang pasinayaan ang naturang aktibidad noong nakaraang linggo sa Lungsod ng Cauayan.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalamn ang publiko pangunahin na ang mga kabataan hinggil sa naturang karapatan at kung bakit ito kinakailangang protektahan at ipaglaban.