TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyan ang ginagawang detachment ng Armed Forces of the Philippines sa Fuga Island sa Aparri, Cagayan.
Sinabi ni LT Jayvee Abuan, public affairs officer ng Naval Fleet Northern Luzon na habang ginagawa ang detachment ay may nagbabantay na Philippine Marines sa lugar.
Ayon sa kanya, tugon ito ng AFP sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na mapaulat na planong gawing smart city ang isla ng isang Chinese investor.
Kaugnay nito, nilinaw ni Abuan na wala na silang kamay sa anumang aktibidad na gagawin sa isla ng sinasabing may-ari dahil bahala na dito ang pamahalaan.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi niya na ang pagkakaroon ng deployment ng mga Marines ay para bantayan at protektahan ang Fuga island