Tinawag na ‘fake news’ ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang kumakalat na balita sa social media kaugnay sa mga di-umanoy dinukot na mga bata.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan PNP na walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media hinggil sa umanoy kidnapping sa mga bata upang kunin ang kanilang lamang loob.
Umapela rin ito sa publiko na huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong mga ulat at maging mapanuri sa mga ibinabahaging balita sa social media.
Pinaalalahanan naman ni Mallillin ang publiko na agad na ipag-bigay alam sa pulisya ang anumang insidente ng hinihinalang kidnapping para agad itong maimbestigahan ng mga otoridad.
Tiniyak ni Mallillin na sapat ang bilang ng pulisya sa lalawigan upang magbantay sa seguridad ng publiko lalo na ngayong kapaskuhan.
Cagayan PNP hotline: 0917-523-3562