Kinoronahan si Dia Mate mula sa Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2025 sa seremonya na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.

Tinalo ni Mate na mula sa political clan ng mga Remulla mula sa Cavite ang 24 na iba pang aspirants sa Latin-dominated international competition.

Minana ni Mate ang titulo mula kay 2023/2024 winner na si Maricielo Gamarra mula sa Peru.

Ang panalo ni Mate ang pangalawang pagkakataon na makuha ng bansa ang korona pagkatapos ni Teresita “Winwyn” Marquez noong 2017.

Ang mga runners-up naman ay sina:

-- ADVERTISEMENT --

Primera Finalista – Miss Colombia
Segunda Finalista – Miss España
Tercera Finalista – Miss Perú
Cuarta Finalista – Miss Brasil
Quinta Finalista – Miss Polonia

Sa kanyang suot na gold column gown, ibinigay ni Mate ang kanyang panalong sagot sa tanong na: What value do you think is the most important to our society, and why do you think this is important?

“I think the one most important value that we should have is kindness. And my experience here in Bolivia is that you have showed me so much kindness and so much love even though racially I am not Latina. And the most beautiful thing I’ve noticed is that even though we don’t speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God,”

“And I hope this shows to everybody that if we use kindness, that we are all the same, then we can create a better world and a better society for us all.”

Una rito, nakuha ni Mate ang Best in National Costume sa “traje tipico” contest, matapos na i-showcase niya ang tatlong major Philippine religious at cultural festivals sa isang ensemble, kung saan itinampok niya ang gold salakot at ang banig gown na may maraming beads.

Sa mismong coronation, isa si Mate sa mga bueaties na napili na ipakita ang kanilang talento sa pagkanta sa maikling solo performance sa kanilang opening number.

Si Mate na isang singer at model, ay ang kasintahan ng mucisian na si JK Labajo.

Una siyang sumali sa Miss Universe 2024 pageant, kung saan tumanggap siya ng special title mula sa isang sponsor.

Matapos ang ilang buwan, sumali siya sa 2025 Miss World Philippines pageant, kung saan nakuha niya ang korona ng Reina Hispanoamericana Filipinas title mula kay Michelle Arceo, na second runner-up sa nasabing kompetisyon.