TUGUEGARAO CITY- Paubos na umano ang diesel sa Calayan Island, Cagayan dahil sa 18 days na walang biyahe ang mga bangka at barko mula sa mainland.

Sinabi ni Board Member Alfonso Llopis na bukod sa diesel ay tiyak na mauubos na rin ang mga grocery items kung aabutin ng isang buwan na wala pa ring biyahe ng mga sasakyang pandagat.

Ito aniya ay dahil sa isa pang bagyo na papasok sa Cagayan na tiyak na magkakaroon na naman ng gail warning.

Ayon sa kanya, hanggang sa susunod na linggo na lang ang kanilang diesel.

Kaugnay nito, sinabi ni Llopis na sa ngayon ay iilan lang ang evacuees sa isla na mula sa low lying areas.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, kung walang diesel na magpapatakbo ng generator sa isla ay hindi maaayos ang mga masisirang kagamitan na nagsusupply ng komunikasyon sa isla.