Tuguegarao City- Nakatakdang ilunsad ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang telemedicine o digital consultation sa Lunes (July 14).

Ayon kay Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, libre at bukas ang nasabing programa para sa lahat ng nais na magpakonsulta.

Layunin din nito na mabigyan ang publiko ng karagdagang serbisyong pangkalusugan kahit nasa gitna ng pandemya hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa mga kalapit na lalawigan.

sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangang pumunta sa CVMC ang mga nais magpakonsulta upang maiwasan ang exposure at makakatipid pa sa pamasahe dahil maaari na silang magparehistro sa pamamagitan ng text message, sa email o tumawag sa numerong nasa official media acct. ng pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Kung nakapagrehistro na ay hintayin nalamang aniya ang tawag para sa karagdagang mga impormasyong dapat na masunod sa pagpapakonsulta.