Muling tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na drug addict si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, at hinamon ang militar na protektahan ang konstitusyon.

Iginiit ni Duterte napilayan na ang bansa, at walang ibang puwedeng magtatama kay Marcos at kay House Speaker Martin Romualdez kundi tanging ang militar.

Tinanong din ni Duterte ang militar kung patuloy na susuportahan si Marcos kung nalaman na siya ay drug addict.

Sinabi pa ni Duterte na nagsasabwatan ang Kongreso at Marcos para sa tangkang pagbabago sa konstitusyon.

Ayon sa kanya, magkakaroon ng transition kung saan magiging parliamentary prime minister si Romualdez, habang magiging ceremonial president na lamang si Marcos.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa niya na ang mas malaking issue ngayon ay ang paglipat ng sobra na P89.9 billion na pondo ng PhilHealth sa National Treasury at hindi ang banta ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na ipapapatay niya si Marcos, ang kanyang asawa na si Liza at Romualdez kung siya ay papatayin.

Ayon kay Duterte, insignificant ang nangyari kay Sara at sa kanyang chief of staff na si Atty Zulieka Lopez, kung saan tinawag pa niyang loko-loko ang MalacaƱang.