TUGUEGARAO CITY- Nilinaw ng Department of Interior and Local Government- Cagayan na hindi pinagbabawalan ang mga barangay na maglagay ng kanilang mga checkpoints.

Gayonman, sinabi ni Ruperto Maribbay, director ng DILG Cagayan na maaaring maglagay ng checkpoint ang mga barangay subalit sa inner roads na lang at hindi sa mga provincial at national roads o highways na sakop ng kanilang mga barangay.

Sinabi ni Maribbay na ito ay para hindi na maging abala pa ang mga nasabing harang ng mga barangay sa mga dumadaan na mga sasakyan na lulan ang mga pangunahing pangangailangan ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ipinaliwanag pa ni Maribbay na ang mananatili na lamang ay sa mga provincial at mga national highways ay ang mga quarantine checkpoints na minamandohan ng mga PNP at BFP personnel.

Reaksion ito ni Maribbay sa mg natanggap din niyang mga concerns mula sa mga alkalde sa Cagayan kaugnay sa kautusan ng DILG central office na buwagin na ang mga barangay checkpoints sa mga pangunahing lansangan dahil sa hindi na mamonitor ng mga barangay ang mga lumalabas at pumapasok sa kanilang lugar.

-- ADVERTISEMENT --