Inilahad ni Ruperto Maribbay,head ng Department of Interior and Local Government-Cagayan ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon at hindi pa nakakakuha ng Seal of Good Local Governance ang lalawigan
Sinabi ni Maribbay na batay sa assessment ng DILG central office,mababa ang rating ng lalawigan dahil sa kabiguan pa rin na makabuo ng hiwalay na tanggapan ng Provincial Risk Reduction Management kaakibat ang pagkakaroon ng mamumuno dito at ang naantalang paggamit ng 20 percent development fund mula sa provincial budget noong 2018
Ito aniya ay dahil sa hindi maagang pagkakapasa ng budget
Kaugnay nito,sinabi ni Maribbay na sana ay magkakaroon na ng magandang relasyon sa pagitan ng executive at legislative department ng provincial government pagkatapos ng eleksion
Sinabi niya na ito ay para maiwasan na ang mga bangayan at maipasa sa takdang panahon ang provincial budget
Idinagdag pa niya na sa sana ay sa susunod na taon ay makakakuha na rin ng SGLG ang Cagayan