Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hihilingin nila sa International Criminal Court (ICC) na payagan si dating President Rodrigo Duterte na manumpa bilang mayor ng Davao City habang nakakulong sa detention center sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kinikilala nila ang pagkapanalo ni Duterte sa midterm elections noong May 12, 2025.

Ayon kay Remulla, susubukan niyang magpaalam sa ICC kung puwede na pumunta ang consul ng bansa para makapanumpa si Duterte para makaupo na rin siya sa kanyang puwesto.

Subalit, sinabi ni Duterte na dahil wala si Duterte sa Davao City, ang anak nito na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang mamumuno sa lungsod.

Si Duterte ay nakakulong sa Scheveningen Prison sa The Hague dahil sa kasong crimes against humanity dahil sa extrajudicial killings sa war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --