
Pinaniniwalaan na nasa Portugal pa si dating Congressman Zaldy Co subalit hindi isinasantabi ng mga awtoridad na bumalikna siya ng bansa.
Dahil dito, sinabi ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na lahat ng bahay at mga lugar niya ay isinislbi ang warrant of arrest.
Ayon kay Remulla, may nakita videos ang mga awtoridad ni Co sa Portugal.
Matatandaan na noong November 2025, inilabas ang arrest warrants laban kay Co at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at directors of Sunwest Corp. kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Una rito, naghain ang Ombudsman ng kasong corruption at malversation of public funds sa Sandiganbayan laban kay Co at iba pang personalidad.
Ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P289 million flood control project sa Oriental Mindoro.
Maalala na sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, paglilitis sa kaso ni Co sa Sandiganbayan ay magsisimula sa Enero 20 at isa siya sa mga tetestigo.










