Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat na magtalaga ng bgarangay tanods sa mga pampublikong paaralan ngayong taon para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Sa Memorandum Circular 2025-072, iginiit ng DILG na minamandato ang mga barangay na makipagtulungan sa Department of Education sa mga eskwelahan sa kanilang nasasakupan at magtalaga ng mga barangay tanod.

Sinabi ng DILG na ang gagawin ng mga barangay tanod ay pamahalaan ang trapiko sa pagdating at pag-uwi ng mga estudyante; magpatrolya sa palibot ng eskwelahan at mga kalapit na lugar na madalas na puntahan ng mga mag-aaral; mag-monitor at i-report ang mga insidente na banta sa seguridad; at ipatupad ang iba pang tungkulin na iniatas sa kanila ng barangay kapitan o ng mga pulis para bantayan ang school zones.

Bukod sa deployment, hinikayat ng DILG ang mga alkalde na magbigay ng logistical support sa kanilang mga barangay para sa pagpapatupad ng nasabing inisyatiba.