TUGUEGARAO CITY-Nagbabala ang Department of Interior and Local Government Unit o DILG na mapapatawan ng sanction ang isang local chief executive na bigong ipatupad ang kautusan ng ahensiya kaugnay sa road clearing.

Sinabi ni Ruperto Maribbay, director ng DILG Cagayan na ito ay kaugnay sa isinasagawang validation sa mga kalsada na kailangan na matanggal ang mga obstructions o mga structures na matagal nang kautusan ng ahensiya.

Ayon sa kanya, responsibilidad ng local chief executive ang pagtiyak na nasusunod ang kautusan ng DILG.

Gayonman, sinabi niya na mayroong namang konsiderasyon kung sakali na lumabas sa resulta ng validation na may mga permanent structures sa mismong kalsada o sa easement of right of way na hindi basta-basta matanggal.

Kaugnay nito, sinabi ni Maribbay na ginawa nang cross municipal at city ang validation sa halip na cross provincial dahil na rin sa banta ng covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin nito aniya na matiyak na totoo ang lalabas na resulta ng validation.

Gayonman, sinabi niya na nakatitiyak siya na walang mandadaya sa validation dahil ang mga miembro ng validating team ay mula sa DILG, PNP, BFP at NGOs.

Nagsimula ang validation nooong Pebrero 15 at matatapos sa March 2.