Pinuri ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lalawigan ng Kalinga na kauna-unahang magpapatupad ng “Support to Barangay Development Project” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Undersecretary for Local Government Marlo Iringan, malaking karangalan ito sa buong probinsiya dahil sa 822 barangay sa buong Pilipinas na sakop ng proyekto ay ang Brgy. Babalag East sa bayan ng Rizal ang unang magpapatupad ng proyekto.
Nangangahulugan aniya ng maayos na sistema ng pag-implementa ng mga proyekto ng pamahalaan sa nabanggit na probinsya.
Umaasa naman si Usec. Iringan na magtuluy-tuloy ang kooperasyon ng ibat ibang ahensiya para mas madaling maisulong ang kapayapaan at kaunlaran ng isang lugar.
Matatandaan na kaninang umaga ay isinagawa ang ground breaking ceremony sa P20 million projects na ipatutupad sa barangay babalag east matapos itong maideklarang insurgency free barangay sa tulong ng Provincial Task Force to end local communits armed conflict.
Ang tatlong proyekto na nakatakda nang simulan ay ang pagkongreto sa Barroga-Baggas access road na nagkakahalaga ng P15 milyon, water works system na nagkakahalaga ng P3 milyon at P2 milyon para naman sa health center building.
Matatandaan na makakatanggap ng tig-20 na pondo ang mga idineklarang insurgency free barangay sa buong bansa