TUGUEGARAO CITY-Nagmimistulang “security Guard” umano ng OceanaGold Philippines Inc. si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil sa ipinapakitang suporta sa naturang mining company.

Pahayag ito ni Leon Dulce ,national coordinator ng kalikasan peoples network for the environment matapos makatanggap ng sulat ang tanggapan ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla ukol sa pagbuwag sa inilatag na checkpoint ng mga opisyales ng Barangay Kasibu, Didipio, Nueva Vizcaya laban sa naturang kumpanya.

Ayon kay Dulce, walang karapatan si Año sa naturang usapin dahil labas na ito sa hurisdiksyon ng DILG.

Aniya, nagmimistula umanong security guard at protector ng Oceanagold si Año dahil sa kanyang ginagawa.

Dahil dito, sinabi ni Dulce na magpa-file ang kanilang grupo sa house resolution sa oras na mag-resume ang session sa korte sa susunod na taon para imbestigahan ang pangingialam ng dilg sa naturang usapin.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na dalawang beses nang tinangka ng mga tauhan ng mining company na magpasok ng oil tanker para muling makapag-operate ngunit naharang ito ng mga opisyales ng barangay Kasibu.

Matatandaan, Hunyo 20,2019 nang magpaso ang financial or technical Assistance Agreement (FTAA) ng mining company matapos ang 25 taon na pag-ooperate sa Nueva Vizcaya.